Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 bangkay sinuka ng dagat

0 57

Dalawa pang bangkay ng lalaki na parehong nasa state of decomposition na ang nakitang lumulutang sa karagatan sakop ng Lamon bay area noong Miyekules at Huwebes.

Inaalam pa kung kabilang ang mga bangkay sa 11 mangingisda na umalis sa Atimonan, Quezon sakay ng fishing boat na FV El John na lumubog sa may karagatang sakop ng Jose Panganiban, Camarines Norte noong Pebrero 5.

Natagpuan ang isa sa mga bangkay na tinatayang may taas na 5,7” sa karagatan malapit sa Balesin Island, Polillo Quezon noong Miyerkules ng hapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Huwebes naman ng umaga nang bumulaga ang isa pang bangkay sa karagatan ng Barangay Cagsiay 2, bayan ng Mauban, nasa 30 kilometro ang layo sa unang bangkay.

Matatandang 6 na mangingisda ang nawala nang masiraan at lumubog ang fishing boat na FV El John. Isang crew na ang unang nakita na wala nang buhay noong nakaraang linggo. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.