Abante Tonite Interactive

2 baril, bala nakumpiska sa pekeng militar

465

Arestado ang isang 39 anyos na cook matapos itong nagpanggap na militar at mahulihan ng dalawang baril at mga bala, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Revised Penal Code ,Article 177 (Usurpation of Authority ng Republic Act 10591 (Illegal Possesion of Firearm at live Ammunition ) ang suspek na si Ramil Jacosalem Y Layno, ng1717 Malabon St., Sta.Cruz, Maynila.

Ayon kay PLT.Col. Reynaldo Magdaluyo, Station Commander ng Manila Police District- Station 3 , alas- 6:00 ng gabi nang mamataan ng mga nagpapatrulyang pulis si Jacosalem sa panulukan ng Rizal Avenue at Remegio St ,sa Sta.Cruz na nakasuot ng uniporme ng militar.

May bitbit rin na isang bag at nang pabuksan ang laman bg bag nito nakita ang isang kalibre 22 na de bola na kulay silver ; 3 bala ng kalibre 22 ; isang bala ng 9 MM ; 2 pekeng ID ng AFP at isang replika ng baril na Glock.

Nang beripikahin ang kanyang mga ID sa himpilan ng pulisya natuklasan na peke .(Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad