Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 bata naglaro ng apoy, 20 bahay nasunog

0 234

Tinatayang mahigit sa 20 kabahayan ang nilamon ng apoy nang nasunog dahil umano sa kagagawan ng dalawang bata sa Dasmarinas City, Cavite.

Sa ulat ni PSMSgt Elmo Caboboy, ng Dasmarinas City Police Station, alas-5:00 kamakalawa ng hapon nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang alias Jay sa Zone 5 Bautista Property Brgy Sampaloc 4, Dasmarinas City, Cavite.

Ayon sa ilang residente, bago naganap ang sunog ay nakita umano ang dalawang bata na naglalaro ng apoy at nagsunog ng mga papel hanggang sa magliyab ang bahay ng isang alias Jay at mabilis na gumapang sa katabing mga kabahayan na gawa sa light materials.

Tinatayang mahigit sa 20 kabahayan ang nilamon ng apoy na idineklarang fire under control dakong alas-7:30 kamakalawa ng gabi.

Inaaalam pa kung magkano ang naging pinsala dito habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon .

Leave A Reply

Your email address will not be published.