Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 bata naligo sa Pasig River, nalunod

0 244

Nasawi ang dalawang bata matapos mag-swimming sa bahagi ng Pasig River sa Brgy. Santolan, Pasig City, Sabado ng hapon.

Ayon sa report, nagkayayaan na maligo ang ilang bata sa gilid ng ilog bago mangyari ang insidente subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay nalunod ang isang bata habang hindi naman natagpuan ang isa pa.

Agad na rumesponde ang Pasig Rescue Team at natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isa sa mga biktima habang Linggo ng umaga naman natagpuan ang bangkay ng isa pang hindi pa nakikilalang biktima.

Ayon sa Pasig Rescue Team, mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagligo sa Pasig River subalit may ilang kabataan na ayaw paawat at nakalulusot sa mga bantay.

Kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawi habang todo-bantay na sa Pasig River upang hindi na maulit ang nangyari sa mga ito. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.