Abante Tonite Interactive

2 bata ng politiko naghamunan ng suntukan

485

Umiinit na raw talaga ang usapin ng politika bagama’t ilang buwan pa bago ang eleksyon.

Mismong mga tauhan na ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naghamunan ng suntukan dahil sa isyung politikal.

Sa natisod na info ng TONITE, sinita daw sa telepono ng isang opisyal ng gobyerno ang kanang kamay ng isang senador na kilalang kaalyado ng Punong Ehekutibo.

Ito ay makaraang tapatan ng ibang kandidato ng partido ng senador ang da­ting kalihim sa kanyang lugar kahit may alyansa na ang kani-kanilang mga political party.

Ikinatwiran naman ng kanang kamay ng senador na may karapatan silang maglagay at mag-endorso ng sinuman na mapagdedesisyunan ng partido kahit pa may alyansa.

Dahil dito, nagpan­ting daw ang tenga ng opisyal ng gobyerno na kilalang nagtrabaho sa dating kalihim at pinagsabihan ang kanang kamay ng senador na parang­ mga hindi la­laking kausap.

Nag-init din naman ang kanang kamay ni Mr. Senator at hinamon nito ng suntukan ang kausap sa kabilang linya.

Hindi pa raw nakuntento sa hamon at pinagbantaan pa ang bata ng dating kalihim hanggang sa naputol na lamang ang kanilang usapan.

Clue: Ang opisyal ng gobyerno ay may letrang ‘D’ ang apel­yido, habang may ‘M’ naman sa kanang kamay ng senador.
Ang dating kalihim at ang senador naman ay kapwa may letrang ‘L’ sa kanilang mga pangalan as in handa laging ‘Lumuhod’ para sa Pa­ngulo.