Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 bata nilamon ng ilog

0 274

HINAHANAP pa sa kasalukuyan ang dalawang menor-de-edad na umano’y tinangay ng agos ng tubig sa Ganano River, sa Barangay Divisoria, Santiago City, Isabela, Lunes ng gabi.

Ang pinaghahanap ay sina Daryl Apostol, 9, at Earn John Ulep, kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa pulis report, ayon sa Santiago City Police Station, nangyari ang insidente alas-9:45 ng gabi.

Ayon sa pulisya, nagkaayaan sina Apostol at Ulep kasama ang kaibigan pang si Marlon Cariaso, 13, na magtungo sa ilog upang maglinis ng kanilang bisikleta.

Naligo na rin ang mga biktima at unang tumalon si Apostol ngunit sa lakas ng alon, tinangay siya hanggang pumailalim sa ilog.

Sinagip siya ni Ulep ngunit tinangay din siya ng malakas na current ng tubig. Agad namang nagpasaklolo si Cariaso.

Sa ngayon ay pinaghahanap ang katawan ng dalawa. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.