Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 bata todo-hanap ng gagamba, nalunod

0 36

Bangkay na nang matagpuan ang dalawang bata na kusang lumutang matapos halos dalawang araw na nalunod sa Cagayan River parte ng Brgy. Bagay, Tuguegarao City kamakalawa dahil sa paghahanap ng gagamba.

Ayon kay Task Force Lingkod Cagayan (TFLC) officer Ruellie Rapsing, unang nakita ng mga residente ang bangkay ni Mark Anthony Tuppil, 13-anyos, sa ginagawang soil protection project sa ilog sa nasabing barangay.

Makalipas ang limang oras, nakita naman sa Brgy. Babayuan, Amulung ang bangkay ni Vince Niño Narag, 12, ng Brgy. Atulayan Sur ng nasabing lalawigan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report, bago mahanap ang mga biktima, naghahanap ng gagamba ang dalawang bata at diumano’y nahulog sa malalim na bahagi ng ilog noong Biyernes ng hapon, Nobyembre 19.

Kasama ng TFLC sa paghahanap ang Philippine Coast Guard at rescue 1111 ng Tuguegarao City.

Samantala, nanawagan naman si Rapsing sa mga magulang o guardian na siguraduhing may kasamang nakatatanda ang mga bata kung ang mga ito ay lalabas ng bahay kasunod ng pagluluwag ng COVID-19 community restrictions sa lalawigan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.