Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 bebot, bagets minasaker sa iskinita

0 188

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang babae at isang binatilyo na naglalakad sa eskinita sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktimang sina Marites Betito, 47, housemaid; Raquel Madunga, 39, at Jimel Donaire, 23, binata, Telecom Rigger, pawang taga-Livelihood St., Talanay Area C, Brgy. Batasan Hills, QC.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ika-9:14 ng gabi nang maganap ang insidente.

Inoobserbahan ngayon sa Maclang Hospital ang isa pang biktima na si Arvin Viola, 22, binata, Telecom Rigger, kalugar ng mga nasawi makaraang tamaan din ng stray bullets.

Sa pahayag ni Lanie Landero, nasa loob siya ng kanilang tahanan ng makarinig na lamang siya ng sunud-sunod na putok na baril at sa kanyang paglabas ay bumungad ang mga duguang katawan ng mga biktima.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center at Qurino Memorial Medical Center sina Berito, Madunga at Donaire subalit idineklara silang dead-on-arrival sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng di-pa batid na kalibre ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Masusing nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa motibo ng naganap na krimen upang makilala ang mga tumakas na salarin. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.