Abante Tonite Interactive

2 bebot inginuso sa shabu, timbog

By
268

Arestado ng mga operatiba ng Manila Police District ang dalawang babae na nagbebenta umano ng shabu sa Recto Ave., Sampaloc, Maynila.

Nasa kostudiya na ng Police Station 4 ang mga suspek na sina Norlaine Lawansa alyas ‘Lainie’, 28, vendor, at Roshela Mijorada alyas ‘Me’, 25, sales clerk, pawang taga-Quiapo.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya ukol sa iligal na gawain ng dalawang suspek.

Pinuntahan ng awtoridad ang lugar at agad na nakita ang dalawang babae na sinita at inutasan na ilabas ang laman ng kanilang bulsa at bag. Nakita sa loob nito ang dalawang plastic sachet ng shabu na aabot sa 75 gramo.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office.