Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 bebot nalambat sa buy-bust

0 71

Dalawang hinihinalang drug pusher ang nadakip ng pulis Marilao makaraang makumpiskahan ng humigit-kumulang 120 gramo ng shabu sa buy-bust operation sa Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe ng Bulacan PNP ang naarestong sina Cheryl Quijano, 35, at Rodelyn Jorge Ronquillo, 25, kapwa nakatira sa Barangay Lambakin na nakakulong ngayon at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na pasado alas-otso kamakalawa ng gabi nang magkasa ng buy-bust ang Marilao Police-Station Drug Enforcement Unit sa Marimel Road, Barangay Lambakin kung saan nakipagtransaksiyon ang dala­wang suspek sa undercover na pulis kaya hindi na sila nakapalag nang arestuhin.

Narekober ang 12 heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu na tinatayang may street value na P816,000. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.