Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 bebot nalansi sa drug bust

0 30

Arestado ng mga operatiba ng Manila Police ang dalawang babaeng drug pusher nang malansi ng pulis sa buy-bust operation kamakalawa ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Nakumpiskahan ng may 17.4 gramo ng shabu na may street value na P118,320 ang mga suspek na sina Gerlie Salalac y B Sampaloc.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa pagtutulak ng mga suspek kaya ikinasa ang buy-bust sa may Algeciras St., corner Fajardo St., Sampaloc.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umakto umanong poseur buyer si PCpl Dancer Cruz at nang iabot ng suspek na si Salalac ang naka-sachet na shabu ay agad itong inaresto. Nakuha naman sa kasama nito ang iba pang shabu.

Sa record ng pulisya, una nang nasangkot sa kasong theft at RA9165 si Salalac. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.