Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 bebot sinita sa curfew, laglag sa `bato’

0 427

Timbog ang dalawang babaeng sinita dahil sa paglabag sa curfew matapos mahulihan ng shabu at drug paraphernalia sa isang quarantine checkpoint sa Brgy. San Martin de Porres, Cubao, Quezon City kamakalawa ng hatinggabi.

Sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) director Ronnie Montejo, kinilala ang suspek na sina Claudelyn Santos, 44-anyos, taga-Pasig City, at Jenet Bautista, 33-anuos, nakatira sa Laguna.

Sa imbestigasyon, alas-12:00 ng hatinggabi nitong Linggo nang masakote ang mga suspek sa quarantine checkpoint sa EDSA Southbound corner P. Tuazon Boulevard, Brgy. San Martin de Porres matapos na sitahin nina Patrolman Jerson Guasis at Patrolman Wilma Canonizado kung mga night shift worker ang mga ito.

Subalit napansin umano ng mga pulis na naging balisa ang mga suspek matapos sabihang lumabag sila sa curfew hour.

Inatasan umano ang mga suspek na ilabas kung ano ang laman ng kanilang mga bulsa at doon nadiskubre ang dalawang sachet ng shabu at drug paraphernalia. Nahulihan din umano ang mga suspek ng medium transparent plastic sachet na naglalaman ng 44 piraso ng white calcium tablet at medium plastic sachet na mayroon namang 77 liquid gold fish oil capsule.

Leave A Reply

Your email address will not be published.