Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 BIFF bomber utas sa patrol car

0 248

Patay ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) na sangkot diumano sa serye ng pambobomba sa Central Mindanao nang magtangkang tumakas sa sinasakyang mobile patrol sa Rajah Buayan, Maguindanao.

Sa ulat ng pulisya kinilala ang mga ito na sina Rasul Dublapeg, at Bhadz Dubpaleg.

Nabatid na naunang naaresto alas-10:00 Huwebes ng umaga ang mga suspek ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa bayan ng Rajah Buayan sa Maguindanao.

SM food to go Banner Ad

Agad namang isinakay sa police car ang mga suspek upang ibyahe para maiwasan ang engkwentro dahil kilala umano ang na balwarte ng mga BIFF subalit habang nasa kalsada ay nagkaroon ng komosyon sa mobile car at sinubukang mang-agaw ng baril ng mga suspek sa mga nakabantay na pulis dahilan upang mabaril ang mga ito.

Dead on arrival ang dalawa sa ospital.

Base sa impormasyon ng pulisya, ang dalawang suspek ay kaanib sa Dawlah Islamiyah Hasan Group at kilalang mga miyembro ng BIFF Karialan-Bungos Faction.

Sangkot ang mga ito sa apat na insidente ng pambobomba na kinabibilangan ng dalawang pagpapasabog sa Isulan, Sultan Kudarat, isa sa Midsayap, North Cotabato, at pagpapasabog sa Southseas mall sa Cotabato City. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.