Abante Tonite Interactive

2 biktima ng pamamaril sa Cabanatuan

By
8

CABANATUAN CITY — Isang ‘di pa nakikilalang lalaki at isang overseas Filipino worker­ (OFW) ang mga biktima ng pinakahuling insidente ng karahasan sa lungsod na ito.

Noong Lunes ng hapon ay pinagbabaril at napatay ng ‘di nakilalang salarin ang isang lalaking biktima habang nagmamaneho ng motorsiklong may plakang 3182 OX sa kahabaan ng Maharlika Highway, sakop ng Narra 1, Brgy. Bitas.

Pinagbabaril din ng mga ‘di pa nakilalang sa­larin si Francisco Zabat Aquino Jr., 32, isang OFW, na residente ng Purok 1, Brgy. Pambuan, Gapan City, noong Linggo ng hapon habang nagmamaneho ng kanyang Sports Utility Vehicle (SUV) na may plakang RDD-934.

Kaagad namang naisugod sa Premiere Medical Center dito ang biktima.