Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 binatilyo sinagip sa pagtinda ng marijuana

0 105

Sa kagustuhan na may kaunting laman ang bulsa sa panahon ng pandemya, pinatos ng dalawang menor de edad ang pagtutulak pero napurnada nang mahuli ito ng mga operatiba ng Cavite Police sa Trece Martires City.

Dinala na sa kostodiya ng Deparment of Social Welfare and Development (DSWD) sina Ray at Jonjon, hindi tunay na pangalan, kapwa 15-anyos.

Dakong alas- 3:45 kamakalawa ng hapon nang nagsagawa ng buy bust operation Brgy. Aguado ang mga operatiba ng drug enforcement unit.

Nakipagtransaksiyon sa isang posuser buyer ang dalawa na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang pinatuyong dahon ng marijuana. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.