Abante Tonite Interactive

2 bodyguard kada kandidato

By
135

Papayagan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang bawat kandidato na magkaroon ng dalawang bodyguard mula sa kapulisan at kapag lumagpas dito ay maituturing itong iligal.

Ito ang pinahayag ni Jonathan Malaya, tagapagsalita ng DILG sa ginanap na weekly forum ng National Press Club kahapon.

“‘Pag lumagpas ng dalawang bodyguard ay illegal na ito at a­ming arrestuhin” ayon kay Malaya.

Patuloy na nakiki­pag-ugnayan ang DILG sa Philippine National Police (PNP)at tanggapan ng Commission on Election (Comelec) para sa pagpapatupad ng nasabing kautusan nga­yong election period.

Nanawagan din si Malaya sa publiko na makipagtulungan at i-report kung may alam silang mga kandidatong inieskortan ng kapulisan na mahigit sa da­lawa. Dahil ito lamang umano ang bilang na pinahihintulutan nila.