Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 brgy volunteer M16, granada gamit sa duty

0 285

Swak sa kaso ang zone leader ng mga barangay tanod at isa pang volunteer matapos mahuling may bitbit na M16 rifle at tig-isang granada habang nasa loob ng outpost sa Taguig City kahapon ng madaling-araw.

Hindi nakapalag sina Leo Bajao, 51, zone leader at Darwin Liaging, 34, volunteer tanod, kapwa residente ng PNR Site, FTI Compound, Brgy. Western Bicutan nang dakpin sila bunga ng pagdadala ng M16 rifle habang naka-duty.

Ayon kay Taguig Police chief P/Col. Celso Rodriguez, nakatanggap ng ulat ang pulisya kaugnay sa pagbibitbit ni Badjao ng M16 rifle habang nasa loob ng outpost ng barangay. Nang puntahan huli si Badjao habang bitbit ang M16 rifle na may magazine na kargado ng 10 bala ng 5.56 mm, kasama ang volunteer tanod at kapwa wala pang suot na face mask.

Wala umanong naipakitang dokumento sa dalang armas si Badjao at nang kapkapan pa ay may nakumpiskang tig-isang Granada sa kanila. Nahaharap ang mga ito sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act at Illegal Possession of Explosive. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.