Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 bugaw dinakma ng NBI

0 228

Binitbit ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang katao dahil sa operasyon nito ng spa na ginagamit diumano na front ng prostitusyon, habang apat na babae ang sinagip sa Dagupan City, Pangasinan.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric Distor ang mga nadakip na sina Joseph Carrera, manager, at Gelyn Almenario, cashier, sa operasyon sa Citirock Spa, kamakalawa.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang ahensya hinggil sa pag-aalok ng serbisyong sekswal ng mga masahistang babae sa mga kustomer.

Nagsagawa ng surveillance operation ang NBI at nakumpirma ang iligal na transaksyon kung saan sinisingil ang mga kustomer ng mula P1,000 hanggang P1,500 kapalit ng pakikipagtalik sa mga babaeng attendant.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong Human Trafficking sa Dagupan City Prosecutor’s Office.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.