Abante Tonite Interactive

2 Bulakenyo timbog sa marijuana

240

Umaabot sa P180,000 halaga ng pinatuyong marijuana ang nasamsam sa dalawang tulak na nabitag sa buy-bust operation ng Quezon City Police District Sabado nang hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Anthony Garcia alyas ‘Makoy’, 21-anyos, binata, at Jhon Roper Austria alyas ‘Noy’, 20-anyos, parehong nakatira sa Balagtas, Bulacan.

Dakong alas-3:55 nang hapon ikinasa ang buy-bust operation ng Kamuning Police Station 10 na pinangunahan nina Corporal Jun Ariola at Corporal Edilyn Gundran sa harap ng isang mall sa Brgy. Sto. Kristo, Quezon City.

Pero bago isinagawa ang buy-bust ay isinailalim na umano sa surveillance ang mga suspek dahil sa impormasyong nagbebenta ito ng marijuana sa social media hanggang sa makumpirma ito.

Nakakulong ngayon ang dalawang suspek sa Kamuning Police Station 10 at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.