Abante Tonite Interactive

2 bus ng mga SEAG delegate naaksidente sa NLEX

331

Dalawang bus na sinasakyan ng mga atleta para sa Southeast Asian (SEA) Games ang nagbangaan habang papunta sa Philippine Arena.

Nangamba ang mga supporter ng Vietnam at Laos matapos makatanggap ng balita na naaksidente ang kanilang mga player na sakay ng dalawang bus habang papunta sa Philippine Sports Arena sa kahabaan ng
North Luzon Expressway, (South bound-Bocaue exit) para sa pormal na pagbubukas na 30th SEAG.

Ayon kay Atty Jarie Osias, tagapagsalita ng Phi­lippine Asian Games Organizing Committee, wala namang nasaktang mga atleta sa naganap sa aksidente na kung saan may huminto umano sa harapan ng bus na sakay ang mga atleta mula sa Vietnam kaya’t bigla rin itong huminto habang sakay namang mga atletang mula sa Laos.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente kaya’t nagpatuloy na ang bus sa pagbiyahe patungo sa Philippine Sports Arena sa Bulacan. (Vick Aquino)