Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 buwan mula nang maaksidente puwede pang magkaso

0 109

Dear Atty. Claire,

Ang sasakyan ng anak ko po ay nabangga ng isang van mula sa kanyang likuran. Huminto kasi ang jeep sa unahan niya kaya huminto rin siya.Pero mabagal naman daw ang takbo ng mga sasakyan kasi medyo traffic. Kaya nabigla siya nang biglaang banggain ang likuran niya ng isang van. Nasira po ng tail light at bandang likuran ng sasakyan ng anak ko.

Napicture-an naman daw niya ang sitwasyon at nakuha nya ang detalye ng lisensya ng driver at ‘yung rehistro ng sasakyan. Nakausap niya ang may ari at nangako naman ito na babayaran ang danyos.

Problema lumipas na ang isang buwan pero di na kumontak yung may ari ng sasakyan sa anak. Makakreklamo pa ba kami, walang traffic incident report? Hanggang kailan kaya kami pwede magsampa ng kaso?

Salamat po,

Melissa

SM food to go Banner Ad

Mrs. Melissa,

Ang anak ninyo ay maaari pang magsampa ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property sa loob ng 2 buwan mula nang nangyari ang aksidente.

Ang Reckless Imprudence ay nagsasaad ng kapabayaan ng isang tao upang maiwasan sana ang isang kaganapan na maaaring magdulot ng danyos sa tao o mga bagay.

Dapat lamang ipakita ng anak mo na ang negligence na ito ng driver ng van ang sanhi ng pagkaka danyos ng sasakyan niya. Baka kasi sabihin ng kabila na ang biglang pag break niya ng ssakyan ang sanhi upang mapagang-abot ang dalawang sasakyan. Kapag naipakita ng driver ng van na ang anak mo ang negligent sa biglang paghinto ng sasakyan niya ay maaaring siya pa ang maituring na pabaya sa pagmamaneho.

Kung ang driver ng van ay nahahalutan ng korte na pabaya, ang registered owner ng sasakyan ay maaaring managot rin para sa danyos dahil siya ay may subsidiary liability kapag napatunayan na may kapabayaan sa naganap na insidente.

Para sa karagdagang sagot tumawag lamang sa 8 922 0245 o email us at attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my YouTube Channel Ito ang Batas with Atty. Claire Castro.

Leave A Reply

Your email address will not be published.