Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 buwan price cap epektibo kaya?

0 486

Noong Martes ay pinirmahan ni President Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) No. 124 na nagpapataw ng 60-araw price freeze sa karne ng baboy at manok.

Sa ilalim ng EO, ang price ceiling para sa isang kilo ng kasim ay pigue ay P270, P300 naman sa per kilo ng liempo, at P160 naman sa bawat kilo ng dressed chicken.

Sa Pebrero na ipapatupad ito. Iyon nga lang sa Metro Manila lang ito at hindi sakop ang mga bayan at lalawigan na malapit dito at mataas din ang presyo ng baboy at manok.

Kaya nga marami rin ang umangal kung bakit sa Metro Manila gayong ang presyo ng baboy at manok sa Cental Luzon at Southern Luzon ay katulad din ng presyo sa NCR. Parang unfair di ba?

Pero ang isa pang tanong ng mga netizen, talaga bang epektibo itong paglalagay ng price cap sa presyo ng pagkain sa panahon ng kapos pa rin ang suplay na baboy at manok?

Hindi ba’t nauna nang nagpatupad na ng price freeze sa gitna ng pandemya? Pero may nangyari ba? Parang wala naman dahil ganoon pa rin, hindi pa rin napigil sa pagtaas sa presyo. Tuloy-tuloy lang hanggang sa umabot pa ng P400 ang presyo ng karne ng baboy.

Tingin ko ang pinakamainam na solusyon ay unahin munang tugisin ang mga nagma-manipulate sa presyo ng mga pagkain. Iyan iyong mga negosyang sobrang nagsasamantala ngayong pandemya.

Para kasing hindi naman talaga natutukan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng pagkain sa mga pamilihan. Kahit anong lagay nila ng SRP o suggested retail price eh hindi naman ito nasusunod.

May nabalitaan na kayo na may nahuhuli ang awtoridad sa mga nagsasamantala sa presyo ng mga pangunahing bilihin? Parang wala naman ata. In short, inutil ang DTI sa pagdating dito dahil wala pa silang nasasampolan ng mga mapagsamantalang mga negosyante na ito.

Sa pagkakaalam ko, sa ilalim ng Price Act, hanggang P1 milyon ang multa sa mga lumalabag sa batas na ito. Pero hanggang ngayon, sabi ko nga, wala lang nahuhuli ni isa.

Halos isang taon na ang pandemya at kada buwan ay tumataas ang presyo ng mga bilihin pero hanggang ngayon parang hindi naman naaksyunan ng DA ang kakapusan ng suplay ng ating pagkain. Kulang na nga sa suplay, napakamahal pa ng presyo.

Kulang na nga ang suweldo o maliit pa ang suweldo mahal pa ang mga bilihin, saan ka pa?

May suhestiyon nga diyan si Sen. Kiko Pangilinan, bakit hindi pakilusin ang NBI o PNP-CIDG para habulin itong mga mapagsamantalang mga negosyante? Kung aasa tayo sa monitoring DA o DTI, walang mangyayari diyan. Patuloy na mamayagpag itong mga oportunistang mga negosyante.

Hindi nga rin nata siguro na kahit may price freeze sa presyo ng baboy ay manok ay ito ang makikita natin sa mga palengke sa Metro Manila.

At malamang ang mga dealer ng karne ng baboy at manok, i-divert nila ang kanilang suplay sa mga lugar kung saan mas kikita sila. It’s either Central Luzon o sa Calabarzon na lang nila dalhin ang kanilang produkto sa halip sa NCR kung saan ipapatupad ang ang price cap sa baboy at manok.

Leave A Reply

Your email address will not be published.