Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 buwan tigil bayad sa utang aprub

0 181

Pasado sa bicameral conference committee ng Bayanihan to Recover as One Act ang panukalang 60 araw na moratorium sa pagbabayad ng utang.

“Gusto nga ng Bangko Sentral ng Pilipinas [BSP] 30 to 45 days lang sabi kasi nila `yong smaller banks might take a hit,” pahayag ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance committee, sa online interview ng mga reporter matapos apruban ng bicam ang Bayanihan 2.

“In the end, um-okay naman ang Bankers Association, na-realize nila kahit `di namin i-impose ‘yan, ‘yon din ang mangyayari,” dagdag nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nauna nang sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na makaaapekto sa banking industry ang panukala ng Kamara na magkaroon ng isang taon na moratorium sa pautang.

Sakop ng panukala ang lahat ng pautang kabilang ang credit card, insurance premium at iba pang business loan.

Sabi ni Angara, agad na ipatutupad ang Bayanihan 2 sa oras na ganap na itong batas. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.