Abante Tonite Interactive

2 carnapper na MILF nalambat

219

Nalambat ng mga awtoridad ang dalawang pinaghihinalaang notoryus na karnaper na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ‘entrapment ope­ration’ sa Cagayan de Oro City nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO) 10, Director Police Brig. Gen. Rolando Anduyan, ang mga nadakip ay sina Naira Buat, 27, alyas Laguindab at Junald Macabuat, 33, kapwa miyembro ng MILF base na rin sa nakumpiskang mga ID mula sa mga ito.

Sa report, alas-7:30 ng gabi nang masakote ang mga suspek sa Jollibee Carmen Branch malapit sa Petron.

Hinihingan umano ng mga suspek ng pera si Hassim Dayo­ngan, 30, ng Brgy. Pinikitan, Camamaan, Cagayan de Oro City, kapalit ng motorsiklong kinarnap ng mga ito sa biktima noong Nobyembre 10, 2019.

Ang motorsiklo ni Dayongan kasama ang mga gamit nito ay tinangay ng mga suspek at pagkatapos ay tinawagan ang biktima at hinihingan ng P10,000 mula sa demand na P30,000.00 kapalit ng pagbabalik sa motor nito.

Agad namang nagsagawa ng ‘entrapment operation’ ang mga awtoridad at nasakote ang mga suspek. (Dolly Cabreza)