Abante Tonite Interactive

2 chairman sa Zamboanga tinodas

307

Patay ang dalawang barangay chairman matapos pagbabarilin sa magkahiwalay na insidente sa kanilang lugar sa lalawigan ng Zamboanga.

Nakilala ang mga nasawi na sina Edgardo Viñas, 49, ng Brgy. Dapaon, Sindangan, Zamboanga Del Norte at Presidente ng Association of Barangay Captains; at si Ibrahim Ungad, ng Brgy. New Labangan. Zamboanga Del Sur.

Ayon sa ulat, unang binaril si Viñas sa ABC Hall sa Brgy. La Roche, Sindangan makaraang dumalo ng session. Isang suspek na nakasuot ng itim na damit at sakay ng motorsiklo ang bumaril umano sa biktima.

Habang sa labas ng kanyang bahay pinatay si Ungad. Ayon sa imbestigasyon, palabas ng bahay ang biktima nang lapitan ng hindi nakilalang suspek at agad na binaril gamit ang isang improvised 12-gauge shotgun at tumakas sakay ng hindi naplakahang motorsiklo.

Parehong naisugod sa pagamutan ang mga biktima pero binawian din ng buhay. (Vick Aquino)