Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 chef nagtalo sa baho, 1 dedo

0 429

Patay ang isang cook ng Land Transportation Office (LTO) nang saksakin ng kanyang kabaro matapos nilang magtalo umano sa tae ng pusa sa kanilang tahanan sa Quezon City nitong Martes ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Rizaldy Panoga Rosaldo, 43, walang asawa, tubong Olongapo City at naninirahan sa Domingo St., Barangay San Antonio.

Agad namang nadakip ang kasama niyang cook na si Edielar Villegas, 30, na kasama rin ng biktima sa bahay.

Batay sa report sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-10:30 ng gabi, kamakalawa, naganap ang pananaksak sa loob ng tahanan na nirerentahan ng biktima at suspek.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Gilbert, galit na kinompronta ni Villegas si Rosaldo dahil sa mabahong amoy ng mga dumi ng pusa na nagkalat sa loob ng compound.

Naawat naman umano ang mainitang pagtatalo ng biktima at suspek at nagpasyang lumabas muna ng bahay ang huli. Ngunit makalipas lang ang ilang minuto ay nagbalik si Villegas, kumuha ng kutsilyo at sinaksak si Rosaldo sa dibdib.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.