Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 Chinese, 1 pa tiklo sa 20-kilo shabu

0 204

Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong drug dealer na kinabibilangan ng dalawang Chinese national at isang Pinoy sa isinagawang buy bust operation sa Quezon City nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang dinakip na Chinese na sina Yao Yuan, Piao Hong, at Pinoy na si Israel Ambulo.
Ika-1:30 ng hapon nang isagawa ng PDEA-NCR ang drug operation sa parking lot ng Quezon City Circle.

Isang ahente ng PDEA ang nagkunwaring bibili ng isang kilong shabu. Nang magkaabutan ay dito na dinakma ang tatlo.

Nang siyasatin ng mga otoridad ang itim na travelling bag ng mga suspek, natuklasang hindi lamang isang kilong shabu ang dala-dala ng tatlo kundi nasa 20 kilos na nagkakahalaga ng P136 milyon.

Nasamsam mula sa mga suspek ang buy-bust money, Nissan Cefiro na may plakang TAW-576 at ilang cellphone na ginagamit ng mga suspek sa pagbebenta ng shabu. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.