Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 Chinese timbog sa pagkidnap ng Taiwanese

0 114

NAISALBA ang isang Taiwanese national na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang Chinese national matapos siyang dukutin dahil umano sa pagkakautang sa isang safe house sa Imus City, Cavite Huwebes ng gabi.

Hawak na ng Philippine National Police -Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang suspek na sina Lu Cheng at Xie Long Hui dahil sa reklamo ng biktimang si Chen Yen Shau sa pamamagitan ng kanyang Embahada.

Sa ulat ng AKG, ang biktima ay dinukot ala-1:00 ng gabi noong December 29, 2020 sa Paranaque City at hiniritan ng P9 milyong ranson money.

SM food to go Banner Ad

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nagpasaklolo ang biktima sa kanyang ina at nagpapadala ng pera bilang kabayaran sa kanyang pagkakautang kapalit ng kanyang paglaya.

Sinabi rin ng biktima na ikinulong at sinasaktan siya ng mga dumukot sa kanya.

Alas-7:20 Huwebes ng umaga nang sumugod sa sinasabing safe house ng mga kidnapper ang AKG sa Villa Emmanuelle Townhomes, Brgy Tucson 2B, Imus City , Cavite at doon naisalba ang biktima.

Positibong kinilala ng biktima ang isa sa suspek na dumukot at nanakit sa kanya. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.