Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 close contact ng Delta variant case nagpositibo rin

0 33

Nagpositibo sa CO­VID-19 ang dalawa sa apat na naging close con­tact ng isang pasyente sa Misamis Oriental na may aktibong kaso ng corona­virus Delta variant.

Kinumpirma ito ni Governor Bambi Emano kung saan nakatakdang ipadala sa Philippine Ge­nome Center (PGC) ang sample para masuri kung nagpositibo rin sila sa Delta variant.

Habang nagnegatibo naman sa COVID-19 ang dalawa pang close con­tact ng pasyente.

“Apat ang kasama niya, so dalawa [ang] nag-nega­tive [at] dalawa [ang] nag-positive. ‘Yong nag-positive na dalawa, pinadala na ang samples diyan sa Manila,” ayon kay Emano.

Nabatid na 80% ng contacts ng pasyente ang sinuri hanggang sa third generation.

Tinukoy ni Gingoog City Assistant City Health Officer Dr. Agnes Centino ang nagpositibo sa Delta variant na isang 48-anyos na “nanny” at walang travel history.

Ayon kay Emano, ito ang kauna-unahang kaso ng Delta variant sa lala­wigan habang may 340 aktibong kaso na ng CO­VID-19 doon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.