Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 computer shop kinandado ni Tiangco

0 51

Dalawang computer shop ang ipinasara ni Navotas City Mayor Toby Tiangco dahil pinayagang pumasok ang mga menor de edad at walang business permit.

Kasabay nito ang pagbibigay ng babala sa mga internet cafe, computer shop o piso net na dapat manatiling sarado sapagkat karamihan sa mga batang kliyente ay pinagbabawal na lumabas ng kanilang bahay dahil sa ipinatutupad na 24-hour curfew.

“Nais naming panatilihing ligtas ang aming mga anak sa kanilang mga tahanan. Hindi namin nais ang mga ito sa mga computer shop o sa labas ng mga kalye kung saan maaaring makuha nila ang nakamamatay na sakit,” ani Mayor Tiangco.

Ang mga magulang o guardian na hahayaan ang kanilang mga anak na gumala sa mga lansangan o maglaro sa labas ng kanilang tahanan ay pagmumultahin ng P1,000 at P2,000 para sa una at pangalawang paglabag. P3,000 o pagkabilanggo at P4,000 o pagkabilanggo naman sa ikatlo, ikaapat at mga susunod pang pagkakasala. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.