Abante Tonite Interactive

2 construction worker natabunan nang buhay

0 117

Mistulang nalibing nang buhay ang dalawang construction worker nang gumuho ang isang parte ng lupa at matabunan ang mga ito sa Camp 7, Kennon road sa Baguio City.

Kinilala sa report ang biktimang sina Neil John Fernandez at Glenn Fontano.

Nabatid na habang naglalagay ng mga steel bar ang dalawa ay biglang gumuho ang kinatatayuan nilang riprap hanggang sa sila’y matabunan.

Sa tulong ng mga rumesponde sa insidente ay nahukay ang dalawa at mabilis na itinakbo sa Baguio General Hospital.