Abante Tonite Interactive

2 convicted sa Chiong sisters rape slay sumuko na

269

Sumuko na sa awtoridad ang dalawang akusadong sangkot sa panggagahasa at pagpatay sa magkatapid na Chiong sa Cebu City.

Ito ang kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) spokesperson at Undersecretary Markk Perete sa isang pahayag.

Ayon kay Perete, nakatanggap umano ito ng impormasyon na sumuko na sa awtoridad ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga person deprived of liberty (PDL) na sina Joszman Aznar at James Anthony Uy na kamakailan lang ay nakalaya dahil sa bisa ng good conduct time allowance (GCTA).

“We have just received information that prematurely released-PDL Aznar and Uy have surrendered to BuCor authorities,” ayon kay Perete.

Nitong Setyembre 6, nauna nang sumuko sina Alberto Cano at Ariel Balansag na pawang mga sangkot din sa naturang kaso. (Lorraine Gamo)