Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 crew ng BRP Jose Rizal kinapitan ng coronavirus

0 308

Dalawang crew member ng bagong komisyon na BRP Jose Rizal ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ayon sa inilabas na ulat ng Philippine Navy.

Sa ngayon ayon kay LCDR Maria Christina Roxas, Acting Director ng Philippine Navy Public Affairs Office, naka-quarantine na ang dalawang crew habang ang iba ay patuloy ang ginagawang preparasyon para sa unang deployment ng barko sa Rim of the Pacific (RIMPAC) 2020 sa Hawaii kung saan nakatkadang umalis ito ng bansa sa Hulyo 29.

Ayon kay Roxas, isinagawa ang swab test sa lahat ng crew members ng BRP Jose Rizal nitong Hulyo 10 matapos magpositibo ang isang Staff ng Defense Sec. Delfin Lorenzana na kasama ng opisyal na dumalo sa commissioning ng barko.

Nauna ng nagpa swab test si Lorenzana at negatibo ang resulta nito.

Samantala nitong Sabado ay lumabas na rin ang swab test result ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo na isa ring dumalo sa komisyon ng barko at negatibo din ang resulta nito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.