Abante Tonite Interactive

2 crew ng Lechon Manok binaril, P20K kita tinangay

327

Patay ang crew habang malubhang nasugatan ang kasamahan nito sa naganap na panloloob sa isang tindahan ng litson manok sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Kinilala ni Police Lt. Nick S. Fontanilla ng Criminal Invetsigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktimang si Noel Lampitao, 39, stay-in service crew ng Don.C Lechon Manok sa Luzon Ave., Brgy. Holy Spirit, QC.

Si Lampitao ay namatay noon din sanhi ng tama ng ‘di pa batid na kalibre ng baril sa ulo. Ang kasamahan naman niyang si Junie Gumanid, 18, ay ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng bala sa pisngi.

Sa imbestigasyon, alas-11:00 ng gabi (Oktubre 21), abala sa pagli-litson ng manok ang mga biktima nang sumulpot ang dalawang lalaki na nagpanggap na kostumer at mabilis na nilimas ang P20,000 maghapong benta sa tindahan.

Bago sumakay sa kanilang get-away motorcycle ay pinaputukan muna ng baril ng dalawang kawatan ang mga biktima na hahabol sana sa kanila.
Masusi ngayong nag-iimbestiga­ ang pulisya at inaalam kung may CCTV sa lugar. (Dolly Cabreza)