Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 dakma sa package na droga

0 59

DALAWA ang arestado sa Muntinlupa City sa pagtanggap ng isang package na naglalaman umano ng nasa P325Kna halaga ng “kush” o high-grade marijuana, na dumating sa Clark Freeport.

Sa pahayag, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3 na ang mga suspek ay kinilalang sina Glennrene Esguerra, 26, consignee ng package, at kasama nitong si Jaime Jayme, 20.

SM food to go Banner Ad

Sinabi nito sa Bureau of Customs-Port of Clark na may 250 grams ng kush a loob ng package mula sa Estados Unidos na sinasabing tea leaves na dumating noong April 22.

Sinabi ng PDEA, agad itong naamoy ng mga K9 dogs ng mga ahente at lumabas sa mga test na may 2 silver plastic pouches na may lamang high-grade dried marijuana buds.

Ang “controlled delivery”, o entrapment operation ay isinagawa sa Bayanan Village sa Muntinlupa, ng regional PDEA, Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs Port of Clark at Aviation Security Group sa rehiyon. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.