Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 dalagita ginahasa sa Batangas

0 118

Dalawang menor de edad ang nabiktima ng magkahiwalay na kaso ng rape sa bayan ng San Luis at Nasugbu sa Batangas noong Biyernes at Sabado.

Naaresto naman pareho ang dalawang suspek na kapwa kapitbahay ng mga biktima.

Batay sa report ng Batangas police provincial office, unang nangyari ang isang kaso ng panggagahasa sa Barangay Pantalan, Nasugbu alas-6:00 Biyernes ng hapon.

Naglalaro ang biktima nang lapitan ng suspek na si Jay Davin Borja Torronnueva, 32, sapilitang ipinasok sa kanyang bahay at saka ginahasa sa loob ng banyo.

Naaresto naman ito ng mga pulis matapos magsumbong ang bata sa kanyang step mother.

Ayon sa Nasugbu police, dati ng may mga nai-report na kaso ng pambabastos sa mga bata ang suspek.

Sa Bayan ng San Luis, ala-1:30 ng madaling araw ng Sabado nang gahasain ng suspek na si Edgar Caraan ang menor de edad na itinago sa pangalang Jenny sa Barangay San Jose.

Batay sa report, pinasok ng suspek ang biktima sa kanilang bahay, iginapos at ginahasa.

Naaresto naman ng mga pulis ang suspek sa follow-up operation kinaumagahan. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.