Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 dating pulis hinawla sa Fabel rape-slay case

0 134

Pinosasan ang dalawang dating police officers na suspek sa pagpatay sa 15-taong gulang na si Fabel Pineda, noong 2020 sa Ilocos Sur, ayon sa Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG).

Kinilala sa report ng IMEG ang mga ito na sina Police Staff Sergeants Randy Ramos, 37-anyos, at Marawi Torda, 34, na naaresto sa Barangay Bannuar, San Juan, Ilocos Sur noong Miyerkoles sa bisa ng arrest warrant.

Sina Ramos at Torda ay nahaharap sa kasong murder na walang piyansa at acts of lasciviousness na may recommended bail na P200,000.

Nabatid na si Ramos ay may hiwalay na kasong rape na wala ring inirekomendang piyansa.

Magugunitang si Pineda ang dalagita na pinatay ng riding-in-tandem matapos umano’y maghain ng kasong rape sa dalawang pulis sa San Juan.

Sa ngayon, nakakulong na ang dalawang suspek sa San Juan Municipal Police Station. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.