Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 dayuhan tiklo sa unregistered gamot

0 53

Arestado ng mga operatiba ang dalawang dayuhan sa Pampanga dahil sa hindi rehistradong Chinese medicine at iba pang health product, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Kinilala ni NBI officer-in-charge Eric Distor ang mga suspek na si Bing Liu, Chinese national, at John Michael, Indonesian. Ayon sa opisyal, inaresto ang mga suspek sa Mabalacat City nitong Oktubre 7 sa bisa ng search warrant na nilabas ng Capas, Tarlac Regional Trial Court Branch 66.

Bago sinagawa ang operasyon, nagsagawa ng surveillance ang mga awtoridad matapos makatanggap ng ulat na nagsasagawa ng paglabag sa RA 3720 o Food and Drug Cosmetics Act ang isang grupo ng Chinese na pinamumunuan diumano ng isang Luk Foo na nakabase sa condominium sa Clark Free Port Zone.

Iniimbestigahan pa ng Food and Drug Administration ang mga nakumpiska mula sa mga dinakip na suspek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.