Abante Tonite Interactive

2 dayuhan umihi sa Boracay hinuli

444

Dalawang Chinese national ang inaresto ng mga awtoridad matapos silang maaktuhan na umiihi sa White Beach sa Boracay.

Ayon sa ulat ng GMA News TV kahapon, dinala sa tanggapan ng pulisya ang mga naturang turista at binigyan ng citation tickets.

Magugunita na pagsamantalang isinara ng Boracay Interagency Rehabilitation Group noong nakaraang buwan sa bahagi ng isla kung saan nag-viral ang video ng isang babaeng Chinese national habang nagpapatae ng kanyang anak sa dalampasigan nito.

Inutos ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na lilinisin muna ang kinordon na lugar sa Boracay Station 1 para maalis ang pangangamoy tae nito.

Pinagbawal din muna noon na mag-swimming ang mga dayuhan at lokal na turista sa pinangyarihan ng insidente.

Samantala, dalawang turista mula sa South Korea ang inaresto rin matapos silang maaktuhan na umiinom ng alak sa beach na mahigpit na ipinagbabawal sa Boracay.

Ipinagbawal ang pag-inom ng alak sa White Beach mula ng isinailalim sa anim na buwang rehabilitasyon ang isla ng Boracay.