Abante Tonite Interactive

2 dedo sa salpukan ng truck, kotse

By
0 125

Nasawi ang dalawang katao habang sugatan ang dalawang kasamahan nito nang magsalpukan ang minamanehong sasakyan ng mga biktima at isang truck sa Silang, Cavite, Biyernes nang madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Estrella Hospital sina Analisa Torio, Rolando Cepeda, 57, habang ginagamot naman sa hiwalay na ospital sina Krizzle Pantaleon, 20, at Rison Lloren, 19, sanhi ng tinamong sugat sa katawan. Habang hawak na ng Silang Police ang driver ng truck na si Daniel Benitez, 52, ng Roario, Cavite.

Minamaneho umano ni Cepeda ang kanyang sasakyan na may plakang TGZ 999, sakay ang dalawang kasamahan, dakong alas-4:10 nang mada­ling-araw patungo sa South direction.

Ngunit pagsapit sa Aguinaldo Highway na sakop ng Brgy. Lalaan 1 ay naisipan nitong magpagasolina na nasa kabilang bahagi ng kalsada pero hindi siya tumuloy at pini­hit ang kanyang manibela pabalik at hindi napansin ang papara­ting na truck na minamaneho ni Benitez na nagresulta ng salpukan ng dalawang sasakyan.

Kasong reckless imprudence in double homicide, serious­ physical injuries and damaged to proper­ty ang kinakaharap na kaso ng driver­ ng truck.