Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 dedo sa SLEX ratratan natukoy na

0 298

Kinilala na ng Calabarzon Police ang dalawang napatay sa barilan sa pagitan ng mga operatiba ng NCRPO RID-ANCAR at umano’y mga miyembro ng kilalang robbery/kidnap for ransom group sa SLEX nitong Huwebes ng hapon.

Batay sa PRO-4A Calabarzon, ang mga napatay ay sina George Laparan alyas ‘Sarge’, tubong Batangas at residente ng Las Piñas at isang Raquel Cayetano alyas ‘Totie’.

Ang dalawa ay sakay ng puting Toyota Hi-Ace Van na hinabol ng mga awtoridad sa southbound lane ng SLEX at napatay sa engkuwentro sa may bahagi ng Silangan Exit sa Calamba City, Laguna.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Narekober umano mula sa mga suspek ang dalawang baril na ang isa ay nakalisensiya kay Laparan at sinasabing nakuha rin mula sa van ang nasa P1,360,452 na nakabalot sa plastic at may markang Chinese character na ‘Okada’.

Pinaniniwalaang ang mga suspek ay sangkot sa serye ng robbery at kidnapping kung saan ang mga binibiktima ay mga Chinese national na empleyado ng mga POGO site. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.