Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2-dekadang nagtago, rape suspek tiklo

0 86

Matapos ang 23-taong pagtatago, nalambat na ng pulisya ang isang lalaki na wanted sa kasong panggagahasa sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ayon kay Philippine National Police chief General Debold Sinas, ang suspek na si Eddie Carino ay nadakip ng mga tauhan ng Regional Intelligence Unit 2, Maddela Municipal Police Station, Quirino Provincial Intelligence Unit, 2nd Quirino Provincial Mobile Force Company at Quirino Provincial Intelligence, alas- 5:10 ng umaga kamakalawa sa Barangay Palenae, Urdaneta City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Carino ay kabilang sa Top 10 Regional Most Wanted Person sa Cagayan Valley region at may warrant of arrest sa kasong rape na ipinalabas ni Hon. Ma.Theresa Dela torre Yadao , Presiding Judge ng RTC Branch 38 ng Maddela, Quirino.

Nasa kustodiya ngayon ng Maddela Municipal Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at booking procedure. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.