Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 dinakma sa P6M marijuana

0 167

HALOS nasa P6 na milyong halaga ng “high grade” na pinatuyong marijuana ang nasabat ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agenc-Cordillera (PDEA-Cor) sa dalawang suspek matapos ang anti-illegal drug bust sa Tabuk City, Kalinga noong Huwebes ng hapon.

Ayon sa PDEA-Cor, hindi muna tinukoy ang dalawang suspek dahil nagsasagawa pa sila ng follow-up investigation hinggil dito.

Sinabi ng PDEA-Cor, nakatanggap umano sila ng intelligence report na may dalawang lalaking may bitbit na mga marijuana brick.

Agad nakipag-ugnayan ang PDEA-Cor sa Tabuk City Police Station at isinagawa ang buy-bust operation.

SM food to go Banner Ad

Timbog ang dalawang suspek at nasamsam sa kanila ang 45 marijuana brick at 8 dried marijuana

na nagkakahalagang P5.88 million.

Nakakulong ngayon TCPS jail at kasong anti-illegal drug act ang isasampa laban sa kanila. (Kiko Cueto/Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.