Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 dinukot na barangay opisyal tsinugi

0 268

Kinumpirma kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas na pinatay na ang barangay kagawad at tanod sa bayan ng Aroroy, Masbate na dinukot ng tinatayang 30 armadong New People’s Army (NPA) nitong Martes ng madaling araw.

Ayon kay Sinas, base sa impormasyong nakuha niya kay Police Regional Office 5 Director Police Brig Gen. Bartolome Bustamante, pinatay na ng mga dumukot na NPA na pinamumunuan nila alyas “Kris” at ‘’Star’ sina Barangay Cabas-an kagawad Victorino Bravo III, at tanod na si Arnel Retanan. Ang kasama nilang si Cabas-an Punong Barangay Aniano Capinig ay nakatakas sa mga armadong grupo at ngayon ay binigyan ng proteksyon ng awtoridad.

Dahil dito ipinag-utos ni Sinas ang pagbabantay sa lahat mga maaring daanan ng mga suspek sa tulong na rin ng Philippine Army at Philippine Coast Guard (PCG) para bantayan ang karagatan at mga daan na maaring daanan ng grupo palabas ng bayan ng Aroroy, Masbate kung saan nila dinukot ang mga biktima.

Martes ng madaling araw nang dukutin ng tinatayang 30 NPA sina Barangay Cabas-an Chairman Aniano Capinig, kagawad Victorino Bravo III, at tanod na si Arnel Retanan.

Matapos igapos ay isinama ang mga biktima ng mga rebelde subalit nakatakas si Aniano. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.