Abante Tonite Interactive

2 driver nag-pot session sa trak

By
0 133

Arestado ang dalawang truck driver matapos mabuking na ginagawang pot session ang kanilang binabiyaheng trak habang nakaparada sa kahabaan ng Elisco Road, Barangay Kalawaan, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang mga suspek na sina Edwin Magaway y Banac, 37-anyos at Alden Casilo y Romero, 26, kapwa truck driver ng Metro Asia Warehousing and Logistic Inc. na matatagpuan sa Elisco Road, Barangay Kalawaan, Pasig City.

Ayon sa report, nahuli ang dalawang suspek bandang alas-sais Martes ng gabi makaraang mabu­king at sitahin ng security guard na si Tony Antonio na nagpa-pot session ang dalawa sa loob ng nakaparadang trailer truck.

Agad na dinampot ang dalawa at dinala sa Pasig police station kasabay ng pagsasampa ng kasong pag­labag sa RA 9165.