Abante Tonite Interactive

2 drug personality sa Taguig kalaboso

245

By Vick Aquino

Kulungan ang bagsak ng dalawang kilala umanong drug pusher sa Taguig City makaraang isailalim sa buy-bust operation kamakalawa nang gabi.

Dinampot ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 267 ang mga suspek na kinilala sa mga pangalang Maribel Cornillez at Wilson Oroso.

Nabatid na dinampot ang dalawang suspek sa South Daang Hari, Taguig.

Matagal na umanong sinusubaybayan ng mga awtoridad ang dalawa dahil sa talamak na pagbebenta ng iligal na droga.

Nakumpiska sa kanila ang 13 pakete na naglalaman ng shabu na nasa 29.2 gramo at nagkakahalaga ng P198,560.00 at ilang mga drug paraphernalia.
Nakakulong na ngayon ang dalawa sa detention cell ng Taguig City Police.