Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 empleyado positibo, DENR ni-lockdown

0 270

Dalawang kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Visayas Ave., Quezon City ang nagpositibo sa COVID dahilan para isinailalim sa lockdown ang tanggapan.

Ayon kay Environment Undersec. Benny Antiporda, taga-Environmental Management Bureau (EMB) ang 2 nagpositibo sa sakit kaya magkakaroon ng sanitation at disinfection sa 4 na gusali ng DENR.

Nagsasagawa na ng contact tracing upang malaman ang mga nakasalamuha ng mga empleyado. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.