Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 estudyante hati sa module

0 68

Hinayag ni Senadora Pia Cayetano na paghahatian na lang ng dalawang estudyante ng pampublikong paaralan ang isang module, sa susunod na quarter.

“What will happen is the modules will be returned, they will be disinfected and then they will be shared with the next student,” pahayag ni Cayetano sa deliberasyon ng Department of Education para sa 2021.

Batay sa school calendar ng DepEd, sa Nobyembre 28 magtatapos ang unang quarter habang ang ikalawang quarter naman ay mula Disyembre 1 hanggang Pebrero 6, 2021.

SM food to go Banner Ad

Bago ito, pinalilinaw din ni Senador Francis Pangiinan kung magkakakasya ba ang P16.6 bilyon para sa development, reproduction at delivery ng mga module para makamit ang 1:2 ratio sa 2021.

Aniya, nauna na umanong sinabi ng mga opisyal DepEd na P20 bilyon pondo ang kakailangananin para sa module sa una at ikalawang quarter ng school year na ito at panibagong P40 sa ikatlo at ikaapat ng quarter.

“Therefore kulang. From 1:1 magiging1:12 na. Can we sustain that with P16.6 billion budget?. When we say 1:2, maghihiraman sila ng module?” tanong ni Pangilinan.

“With the current budget, they can sustain 1:2 [until the end of the school year] and if there are bidders that would come in at better prices then they will be able to improve that,” sagot naman ni Cayetano. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.