Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 estudyante nagsugal sa harap ng iskul, dinakma

0 58

2 estudyante na loteng afficionados , 1 pa; dinampot sa iligal na sugal sa harap ng unibersidad.

Kulong ang dalawang estudyanteng mananaya kasama ang kubrador makaraang mahuli sa akto na nagpapataya ng iligal na loteng sa harap ng unibersidad sa Malabon City kamakalawa.

Paglabag sa PD 1602 (illegal gambling) ang ikinaso sa dalawang estudyanteng suspek at bet collector na si Argie Tabinas, 35.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Sa report ng District Special Operation Unit –Northern Police District, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na talamak ang loteng at EZ 2 sa tapat ng Arellano University sa Barangay Concepcion, Malabon City.

Dito huli sa akto si Tabinas na nagpapataya sa dalawang estudyante, kaya naman inaresto ang mga ito at dinala sa presinto.

Nakuha sa kubrador ang listahan ng numero, calculator at bet money na P1,540.00. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.