Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 galamay ng Akyat-Bahay Gang nadale

0 194

Kulang pang pampiyansa ang halaga ng kinulimbat ng dalawang sinasabing miyembro ng akyat-bahay gang na naaresto sa Bacoor City, Cavite, Lunes.

Nakakulong ngayon sa Bacoor City Custodial Center ang mga suspek na sina Jessie Velasco, 20, at isang alyas ‘John’ habang pinaghahanap ang kasamahan nila na si alyas ‘Undo,’ na nakatakas matapos ang insidente.

Sa ulat, dakong alas-10:00, kamakalawa ng gabi, nang pasukin ni Velasco ang bahay ni Pedro Manabat, 51, ng Barangay Panapaan 5 sa harapang pintuan habang ang dalawang kasamahan ay nagsilbing lookout.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tanging Samsung Duos na nagkakahalagang P5,000 ang nadampot niya.

Ipinagbigay-alam ng biktima ang insidente sa mga barangay tanod at sa follow-up operation naaresto ang dalawa. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.